Palasyo: Nasa mabuting kamay ang Pilipinas sa economic team ni Marcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Malugod na tinanggap ng Malacañang ang mga pagtatalaga sa economic team ni president-elect Ferdinand Marcos Jr.

The country is in good hands with the incoming secretaries of the Department of Finance, our Bangko Sentral (ng Pilipinas), as well as our DBM (Department of Budget and Management) and our NEDA (National Economic and Development Authority),” wika ni acting deputy presidential spokesman Kris Ablan sa isang press briefing kamakailan.

Ginawa ni Ablan ang tugon nang tanungin tungkol sa plano ng gobyerno na bawasan ang P13-trilyong utang ng bansa bago bumaba sa pwesto si Pangulong Duterte noong Hunyo 30.

Pinili ni Marcos si Arsenio Balisacan bilang susunod na pinuno ng NEDA, BSP Governor Benjamin Diokno bilang incoming finance secretary, at dating pangulo ng University of the Philippines na si Alfredo Pascual bilang incoming trade secretary. Si Felipe Medalla, isang kasalukuyang monetary board member, ang papalit bilang gobernador ng BSP.

Isang Cabinet post lamang – Department of Budget and Management secretary portfolio – ang kailangang punan para makumpleto ang Marcos economic team. Ngunit pinuri na ng ilang mga business group ang mga economic manager ni Marcos.

Nauna nang binansagan ng political economist na si Calixto Chikiamco ang papasok na economic team bilang “A-Team” sa business community dahil sa malawak nitong karanasan sa serbisyo ng gobyerno.

Nagsilbi si Diokno bilang budget secretary mula 2016 hanggang 2019.

Si Balisacan, sa kabilang banda, ay nagsilbi ng hindi bababa sa tatlong pangulo – sina Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno Aquino III.

LATEST

LATEST

TRENDING