DepEd, nagbabala sa publiko vs scholarship scam

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa publiko laban sa grupong nag-aalok ng mga pekeng scholarship online sa pamamagitan ng paggamit ng selyo ng ahensya at larawan ni Vice President Sara Duterte.

Sa isang advisory na inilabas nitong Lunes, hinimok ng departamento ang mga magulang na huwag magbigay ng anumang impormasyon tungkol sa kanilang mga anak sa mga scammer.

“Parents and guardians are strongly advised not to give out their children’s school information and identification to these kinds of hideous posts so as not to compromise their security,” isinaad ng DepEd.

LATEST

LATEST

TRENDING