PhilHealth idinepensa ang dagdag kontribusyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Idinepensa kahapon ng Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth) ang isinusulong nilang mas mataas na kontribusyon para sa kanilang mga miyembro at sinabing kinakailangan ito para sa kanilang plano na palawakin pa ang kanilang coverage.

Ayon kay PhilHealth CEO Emmanuel Ledesma Jr., sa ilalim ng kanilang planong expansion of coverage, hindi na kakailanganin pa ng kanilang mga miyembro at benepisyaryo na magba­yad pa sa pagpapagamot para sa ilang karamdaman.

“Marami kaming nakalatag na enhancements na siguradong mararamdaman ng mga miyembro dahil sa mas mababang bayarin sa ospital, kung hindi man wala nang babayaran pa,” ani Ledesma.

Aniya pa, ira-rationalize ng PhilHealth ang case rates para sa bronchial asthma at bacterial sepsis sa mga bagong silang na sanggol at COVID-19 inpatient benefits.

Makakaasa rin umano ang mga benepisyaryo ng mas mahusay na packages para sa severe acute malnutrition sa mga batang edad limang taon at pababa, gayundin ng serbisyo para sa physical medicine at rehabilitasyon.

Isa pa umano sa mga benepisyo na dapat abangan ay ang enhancement ng peritoneal dialysis sa ilalim ng Z Benefits Package.

Paliwanag pa ni Ledesma, “This is where the importance of adjusting our contribution rates comes into play. It will generate funds necessary for us to complete our benefit plans, and more importantly to sustain the reforms in the benefit packages. ”Matatandaang ang kontribusyon ng PhilHealth members ay tataas ng hanggang 5% ngayong taon, mula sa dating 4%.

Una na ring sinabi ni Ledesma na hindi tutol si Pang. Ferdinand Marcos Jr. dito ngunit nirerepaso pa niya ito.

LATEST

LATEST

TRENDING