DOH naitala ang daan-daang El Niño-related health events

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

65 Provinces Face El Niño Drought | OneNews.PH

MANILA — Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng iba’t ibang health events sa bansa, na may kinalaman sa El Niño phenomenon, gaya ng water contamination, food-borne at vector-borne illnesses.

Sa datos ng DOH hanggang nitong Enero, 2024, nakapagtala sila ng 469 kaso ng kontaminadong water sources sa Cordillera Administrative Region (CAR), gayundin sa Regions 11 at 4A.

Mayroon rin umanong 59 kaso ng food-borne illnesses sa National Capital Region (NCR), Region 10, at Bangsamoro Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nasa 137 naman ang mga kaso ng vector-borne diseases, gaya ng dengue at chikungunya ang nai­tala sa Regions 10 at 4B.

Sa kabila nito, tiniyak ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na ang naturang bilang ng mga El Niño-related health events ay hindi pa naman nakakaalarma sa national scale.

Paniniguro rin niya, patuloy nilang binabantayan ang mga kaso, na ang iba ay nireresolba na habang ang iba naman ay nasolusyunan na.

LATEST

LATEST

TRENDING