Pilipinas, Cambodia palalakasin kalakalan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Manet na mas lalo pang palakasin ang kalakalan sa bigas sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia.

Ayon sa Presidential Communications Office, ito ang isa sa naging tampok sa bilateral meeting ng dalawang lider sa sidelines ng 50th ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne.

Napag-usapan ng pangulo at ni Prime Minister Manet ang isyu sa double taxation at mas pagpapahusay pa sa proseso ng pagnenegosyo.

Natalakay din ng dalawang lider ang plano para palawakin ang flight connections para mas mapahusay pa ang accessibility sa mga tourism destinations sa Pilipinas at sa Cambodia.

Kasama rin sa mga pinag-usapan sa bilateral meeting ang pagpapaigting sa ugnayan sa depensa upang matugunan ang mga problema sa isyung panseguridad ng dalawang bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING