Pabahay sa mahihirap hinirit para maiwasan sunog

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nanawagan ang isang senador sa administrasyong Marcos na bilisan ang pagpapatupad ng proyektong pabahay upang matugunan ang pag-sisikip sa maraming mga residential area.

Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na ang mga siksikang bahay ang isa sa mga dahilan kung bakit mabilis na kumakalat ang sunog.

Ayon sa senador, kadalasang nakakaakit ang mga siyudad ng mga manggagawang naghahanap ng trabaho, na humahantong sa pagsisikip ng mga kabaha¬yan, lalo na sa mga mahihirap na komunidad. Ang pagsisikip ng mga bahay sa naturang mga komunidad kalaunan ay nagdaragdag ng panganib ng mga insidente ng sunog.

“Madalas nang nangyayari ang sunog sa mga lugar kung saan maraming nakatira at dikit-dikit ang mga bahay. Upang mapababa ang panganib na maraming madamay sa sunog, mahalagang maisakatuparan ng pamahalaan ang ganitong uri ng programa ng pabahay para sa mga residente ng sunog,” diin ni Gatchalian.

LATEST

LATEST

TRENDING