Medicinal marijuana umusad na sa Senado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Tatalakayin na sa plenaryo ng Senado ang panukalang nagpapahintulot sa paggamit ng cannabis o marijuana bilang gamot sa mga malulubhang sakit.

Sa ilalim ng Senate Bill 2573 o ang Cannabis Medicalization Act ay pinapayagan ang paggamit sa cannabis bilang panggamot sa mga pasyenteng may debilitating conditions o nanghihina.

Bukod dito pinapayagan din ang pribadong indibidwal o entities na bumili, mag-ingat, mag-transport, magtanim at gumamit ng cannabis bilang gamot o para sa research subalit may kaakibat na paghihigpit sa pagtatanim, paggamit at pagbebenta nito.

Ang tanging bibigyan lamang ng medical cannabis ay mga pasyenteng nagparehistro sa Philippine Medical Cannabis Authority (PMCA) na itatatag sa ilalim ng Department of Health (DOH) at pamumunuan ng direktor na pipiliin ng Pangulo.

Habang ang mga doktor naman na maaaring magreseta ng medical cannabis ay dapat mayroong special license at training mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), walang record ng anumang kaso, at ipinagbabawal ang pagrereseta nito sa sarili at sa mga kamag-anak.

LATEST

LATEST

TRENDING