P106 bilyong 4Ps funds, papakinabangan ng 4.4 milyong Pilipino

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Higit 4.4 milyong pamilyang Filipino ang makikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayon taon.

Sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na P106.335 bilyon ang inilaan sa 4Ps na mas malaki kumpara noong 2023 na P102.610 bilyon.

Sakop ng nasabing alokasyon ang mga ayuda para sa kalusugan na nagkakahalaga ng P750 bawat buwan at P600 bawat buwan bilang mga subsidiya sa bigas para sa 4.4 milyong pamilya.

Sakop din nito ang mga subsidiya sa edukasyon na nagkakaiba mula P300-700 bawat buwan para sa mahigit 7 milyong mag-aaral.

Matatandaan na sa  State of the Nation Address (SONA), inatasan ng Pangulo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tiyakin na ang mga karapat-dapat lamang na pamilya ang kasali sa 4Ps program.

Bukod pa dito, nangako ang Pangulo ng iba’t ibang mga hakbang kabilang ang pagpapalakas ng mga prog­rama ng tulong at pagtitiyak ng sapat na budget para sa mga mahihirap na sektor.

Ang 4Ps ay isang strategy ng pamahalaan sa pagbabawas ng kahirapan at isang programa ng pamumuhunan sa human capital na nagbibigay ng kondisyonal na cash transfers sa mga higit na nangangailangang pamilya sa loob ng pinakamataas na pitong taon, upang mapabuti ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0-18.

LATEST

LATEST

TRENDING