MANILA – Pinagbigyan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahilingan ng Philippine National Anti-Doping Organization (PHI-NANDO) na kumuha ng dagdag na personnel upang epektibong maipatupad ang anti-doping activities.
Ayon sa Presidential Communications Office, ang PHI-NADO ay ang accredited na anti-doping organization sa ilalim ng Philippine Sports Commission.
Ang pag-sang ayon ng pangulo ay mangangahulugan nang pagbuo ng plantilla positions at alokasyon ng pondo.
Sinabi ng PCO na mangangailangan ng budget requirement para sa taong ito na P40.87 million ang PHI-NADO para sa kanilang operational expenses.
Nakipagpulong sa pangulo sina PSC Chairman Richard Bachman at Executive Director Paulo Francisco Tatad sa Malacanang at iniulat nila ang ginagawang pagsunod ng Pilipinas sa World Anti-Doping Code.