Ex-PRRD sinusuportahan si Marcos sa economic Cha-cha

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Matapos ang mga naunang pahayag ng pagtutol sa Charter Change (Cha-cha) tila nagbago na ng tono si dating Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing susuportahan niya ang pagbabago sa Konstitusyon kung hindi palalawigin ang termino ng mga nakaluklok na ­opisyal ng gobyerno ngayon.

Sa ginanap na prayer rally sa Cebu nitong Linggo ng gabi, sinabi ni Duterte sa harap ng mga tao na wala siyang problema sa Cha-cha hangga’t walang nakalaan na interes dito.

Sinabi ng dating ­pangulo na susuportahan niya ang pagbabago ng Konstitusyon patungkol sa economic provision, ma­ging sa term ng presidente, subalit hindi ito dapat papabor sa kasaluku­yang lider ng bansa o sa mga mahahalal sa susunod na eleksyon.

Hindi rin anya siya tututol sa panukalang pagpapalit ng ­konstitusyon kung mangangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa taumbayan na hindi na siya tatakbo sa susunod na halalan.

Idinagdag pa ni Digong na anuman ang hakbang para palitan ang ­Konstitusyon para sa term extension ng mga kasalukuyang nakaupo sa ­gobyerno ay hindi magi­ging maayos sa mga tao.

LATEST

LATEST

TRENDING