Mga senior high hahasain para makapagtrabaho

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Isinampa ni Las Pinas Rep. Camille Villar ang panukala na layong bigyan ng sapat na kaalaman at pagsasanay ang mga magtatapos na Senior High School (SHS) upang sa gayong mas madali silang makapagtrabaho.

Sa House Bill No. 9808 o ang ‘Batang Magaling Act” na inihain ni Villar, ginagarantiyahan nito ang ang SHS graduates na mabigyan ng sapat na kaalaman, pagsasasanay at kahusayan na isa sa makakatulong upang mabilis na makapagtrabaho sila sa public o private sector.

“This bill seeks to reinforce the K to 12 program objective by ensuring that SHS graduates are equipped with the knowledge, training, and skills demanded in the labor market, whether they have chosen the higher education, middle-level skills develop-ment, employment, or entrepreneurship exit, thereby enhancing their employability and competitiveness in the workforce,” ayon kay Villar.

Sa ilalim ng panukala, magtatag ng Batang Magaling National and Local Councils na magsisibling mekanismo para sa pagbibigay ng impor-masyon sa mga education institution para sa updating at alignment ng curricular offerings at sa work immersion component ng SHS program na naayon sa pangangailangan na tutukuyin ng industry partners at government agencies. 

LATEST

LATEST

TRENDING