Kamara naka-heightened alert dahil sa bomb threats

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Isinailalim kahapon sa heightened alert ang Kamara matapos makatanggap ng “bomb threats” at pagbabanta sa ilang mga Kongresista.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, ang heightened alert ay upang maprotektahan ang mga miyembro, staff at empleyado ng Kamara.

“I have talked with the Sergeant at Arms and I told him to impose strict security to all those who are entering the premises particularly the non members of the House and who are not employees of this institution,” pahayag ni Velasco.

“Hindi namin alam basta sinasabi lang baka bombahin ang House of Representatives ganon. But as I have said we take all these threats seriously so  kaya we have taken special precautions ngayon,” ayon kay Velasco na sinabing nito lang Enero ay nakatanggap ng pagbabanta ang ilang mga Kongresista.

Wala naman umanong koneksiyon sa isinusulong na Charter change ang mga threat pero ilang motorsiklo ang naobserbahan na naglalabas masok sa Kamara kaya ipinagbawal na ang pagpaparada ng mga motorsiklo sa harapan ng mga gusali.

Tumanggi naman si Velasco na tukuyin kung sinu-sino sa mga ­miyembro ng Kamara ang nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay.

Nilinaw din niya na hindi kasama si Speaker Romualdez sa mga nakatanggap ng pagbabanta.

Magugunita na Nob­yembre 2017 ay niyanig ng malakas na pagsabog ang south wing ng Kamara na ikinasawi ng tatlo katao kabilang ang umano’y target na si Basilan Rep. Wahab Akbar habang pito pa ang nasugatan kabilang ang 2 Kongresista.

LATEST

LATEST

TRENDING