Rodrigo Duterte hinamon si Marcos na sabay sila magpa-drug test

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Hinamon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpa-drug test sa harap ng publiko para mapatunayan na hindi siya gumagamit ng cocaine.

Sa pahayag ni Duterte sa isang press briefing sa Davao City, sinabi nito na maaari silang sabay magpa-drug test ni Marcos sa pamamagitan ng pagkuha ng dugo sa isang independent entity o doctor at maari itong gawin sa Luneta Park.

Ibinunyag din ni Duterte na isang cabinet official din umano ang gumagamit ng cocaine kasama ni Marcos.

Nauna nang itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasa drug watchlist nila si Pangulong Marcos kahit noong unang itinatag pa ang ahensiya.

Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos siyang hamunin ni Speaker Martin Romualdez na pinsan ng Pangulo, na maglabas ng katibayan para patunayan ang kanyang mga alegasyon.

Samantala wala pa namang pahayag ang Malakanyang tungkol sa hamon ni Duterte.

Bago nagtungong Vietnam, sinabi ng Pangulo na ayaw niyang patulan ang nasabing isyu na binabato sa kanya na gumagamit siya ng illegal na droga matapos siyang tawaging “bangag” at “adik” ni Duterte.

Itinuro naman ni Marcos ang matagal na paggamit ng fentanyl ni Duterte kaya nagagawa nito ang mga akusasyon.

LATEST

LATEST

TRENDING