Senado pinagagalaw ng Kamara vs panapat sa PI

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Hinamon ni House Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. si Senate President Juan Miguel Zubiri na tuparin ang kanyang self-imposed deadline na ipapasa ang panukalang magsusulong ng economic amendments sa Constitution.

“Ang worry ko lang na baka si Bro, si Sen. Migz, hindi niya makukuha ‘yung ¾ votes. Baka wala silang 18 botong makukuha dito sa RBH (Resolution of Both Houses No. 6). ‘Yun lang ang worry ko, ‘yun lang ang iniisip ko,” ani Gonzales sa isang press conference.

Iginiit din ni House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe kay Zubiri na magtrabaho para aprubahan ang RBH No. 6 na siyang papatay sa inaayawan ng mga senador na people’s initiative (PI).

“Pass your version of RBH 6, where there are no political provisions, only economic provisions, and we will be one with the Senate. We will no longer ask for any debates. No questions asked,” sabi ni Dalipe sa isang press briefing.

“If they want, we can even do blood compact just like that Speaker Ferdinand Martin Romualdez said,” dagdag pa ni Dalipe.

Sinabi ni Gonzales na ngayong inihinto na ng Comelec ang pagtanggap ng mga pirma para sa PI ay dapat aprubahan na ng Senado ang RBH 6 na naglalayong amyendahan ang economic provisions ng Konstitusyon.

Para naman kay Rep. Geraldine Roman ng Bataan panahon na para gawin ng Senado ang mga sinasabi nito.

“Let’s walk the talk. Let’s focus our efforts on discussing the RBH-6. Let’s not waste time. Let’s start the ball rolling. Let’s make it happen,” ani Roman.

LATEST

LATEST

TRENDING