PBBM iginiit na walang halong politika ang ikinakasang Bagong Pilipinas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang pamumulitika at walang hidden agenda sa ikinakasang Bagong Pilipinas campaign ng kaniyang administrasyon.

Layunin lamang umano nito na maglatag ng mga planong dapat makamtan para sa ikabubuti ng mga Pilipino.

Sinabi rin ng Pangulo na ang Philippine Development Plan, ay isa sa mga batayang dokumento kung saan hinango ang Bagong Pilipinas, ang bagong brand of governance.

Dagdag pa ni Marcos na ang Bagong Pilipinas ay naglalatag ng mga mithiin na dapat na makamtan upang mapabuti ang kinabukasan ng bayan.

LATEST

LATEST

TRENDING