
MANILA — Sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng gawain kabilang ang pagtanggap ng mga “signature forms” na may kaugnayan sa people’s initiative (PI) para sa isinusulong na charter change (Cha-cha).
Inihayag ni Comelec Chairman George Garcia ang “indefinite” na suspensyon sa isang press conference kahapon sa Palacio del Gobernador sa Intramuros.
“Kailangan po ito para maiwasan ang problema, kaguluhan, at hindi pagkakaunawaan doon sa interpretasyon ng probisyon ng ating mga rules,” ayon kay Garcia.
Sa kasalukuyan, tumanggap na ang Comelec signature ng forms mula sa 1,072 munisipalidad at siyudad sa buong bansa.
Unang sinabi ng Comelec na ang ginagawa nilang pagtanggap ay hindi pa ang pormal na proseso ng PI ngunit base lamang sa kanilang administerial roles na naaayon naman sa kanilang panuntunan.
Ang suspensyon sa pagtanggap sa mga lagda ay makaraan din ang pagsasabi ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na labag sa Konstitusyon ang kasalukuyang isinusulong na PI.





