Pangulong Marcos pinalawig PUV consolidation hanggang Abril 30

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Pinagbigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahilingan ng mga jeepney drivers at operators na palawigin pa ang deadline ng PUV consolidation hanggang Abril 30, 2024.

Sa pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, inaprubahan ni ­Pangulong Marcos ang rekomendasyon ni Department of Transportation (Dotr) Secretary Jaime Bautista.

Base sa rekomendasyon ni Bautista, pinalawig pa ng tatlong buwan o hanggang April 30, 2024 ang consolidation ng public utility vehicles.

Sinabi ni Garafil na ang pagpapalawig ay para magbigay oportunidad sa mga nagnanais na makasali sa consolidation at maghayag ng kanilang intensyon na sumali sa modernization program ng gobyerno subalit hindi nakasali sa nagdaang cut off na Disyembre 31, 2023.

“This extension is to give an opportunity to those who expressed intention to consolidate but did not make the previous cut-off,” ayon pa kay Garafil.

Magugunita na tinutulan ng transport group ang consolidatiin ng prangkisa dahil hindi raw nila kayang bumili ng mga modernong jeep.

Una rito, pinagtibay ng House Committee on Transportation ang resolusyon upang ikonsidera ang pagpapalawig pa ng PUV consolidation.

Inaprubahan ng House panel na pinamumunuan ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop ang resolusyon na humihikayat kay Pangulong Marcos na i-extend ang consolidation period hanggang hindi nagkakaroon ang gobyerno ng konkretong plano para matugunan ang mga pangunahing isyu sa PUV Mo­dernization Program (PUVMP).

Agad pinagtibay ang resolusyon dahil simula Pebrero 1 ay huhulihin at hindi na papayagang bumiyahe sa mga ruta ang mga unconsolidated PUVs dahil ikokonsidera na silang colorum o illegal ng LTFRB at LTO.

LATEST

LATEST

TRENDING