Ilang pangunahing bilihin na may SRP, pinayagan ng DTI na magtaas-presyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Piniyagan na ng Department of Trade and Industry na magtaas-presyo ang 9 na pangunahing bilihing may suggested retail price.

Kabilang sa mga ito ang sardinas, powdered milk, at sabon.

Ayon sa DTI mayroon pang 45 na basic at prime commodities na sa Marso pa a-aksyunan ng ahensiya.

Pero kahit hindi pa aprubado ng gobyerno ang dagdag presyo sa maraming basic at prime commodities hindi naman napipigilan ang pagmahal ng maraming pangunahing bilihin na hindi sakop ng SRP.

Sa datos ng ilang supermarket at grocery stores na dagdagan ang presyo ng walang SRP ng 4% hanggang 8%.

Ayon kay DTI Sec. Alfredo Pascual pinag-aaralan na rin nila ang pagbabago sa sistema ng SRP sa mga basic goods.

LATEST

LATEST

TRENDING