Comelec ‘di tatanggapin bayad na pirma sa Cha-cha

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Ipapaubaya muna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Commission on Elections (Comelec) ang pagberipika sa ­pirma ng mga residente na pumabor umano sa Charter Change (Cha-Cha) sa pamamagitan ng People’s Initiative (PI).

Sa isang ambush interview sa Pangulo sa Lung Center of the ­Philippines sa Quezon City, siniguro nito na hindi tatanggapin ng Comelec ang pirma kung mayroon itong kaakibat na bayad.

“Well, pagka binayaran ‘yung signature, hindi tatanggapin ng Comelec ‘yun. So walang magandang mangyayari,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Matatandaan na naiulat na ginagamit ang pinansyal na ayuda ng Tulong Panghanap buhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment, Assistance to Indivi­duals in Crisis Situation ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) at medical assistance ng Department of Health (DOH) kapalit ng pirma sa Cha-Cha.

“So, ang pagkaka­alam ko hindi naman, wala namang ganoon. Ang sinasabi hindi bayaran ng cash, kundi nangangako ng kung anu-anong benefits. It’s—tinitignan namin, sabi ko, “itinanong ko sa kwan, sa ating legislation, totoo ba ‘yan?” pahayag ng Pangulo.

Binalak din umano ng Pangulo na itigil na muna sana ang pagbibigay ng ayuda para hindi makwestyon ang Cha-cha subalit hindi rin naman itinuloy ang plano dahil kawawa ang mga nangangailangan ng tulong.

LATEST

LATEST

TRENDING