China hinamong tuparin ipinangako sa WPS

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Hinamon ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya ang China na tuparin ang pangako na magi­ging mahinahon na ang sitwa­syon sa West Philippine Sea (WPS).

Ang pahayag ay ginawa ni Malaya matapos ang panibagong insidente ng ha­rassment ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, sinabi ni Malaya, na sana naman ay tapatan ng China ng aksyon sa ground ang napag-usapang pagpapaigting ng maritime communication mechanism sa pinag-aagawang teritoryo.

Giit ni Malaya, kapwa hindi naman interes ng dalawang bansa na tumaas ang tensyon ngayong 2024 kaya ang pakiusap niya sa China na siya rin magdiriwang ng Chinese New Year ay tapatan nila ng aksyon sa ground ang napag-usapan ng gobyerno ng Pilipinas at China.

Kamakailan ay nagpulong ang Pilipinas at China sa 8th Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea na ginanap sa Shanghai at nagkasundo na paiigtingin pa ang komunikasyon at palalakasin ang koordinasyon sa pagitan ng dalawang foreign ministries at kanya-kanyang coast guards para maiwasan ang tensyon.

Kaya umaasa anya ang opisyal na magiging tahimik ang WPS ngayong 2024, subalit sa pinakahuling kaganapan ay nagkaroon na naman ng pagtataboy sa mga mangingisda sa kamay ng Chinese Coast Guard.

LATEST

LATEST

TRENDING