USDA: Pilipinas top 1 pa rin sa pagiging importer ng bigas ngayong 2024

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inaasahan na mananatiling world’s top rice importer ang Pilipinas ngayong 2024 base sa ulat ng United States’ Department of Agriculture (USDA) kasabay ng pagtaas ng lokal na presyo nito.

Tinatayang nasa 3.8 milyong metric tons (MT) ng bgias galing sa ibang bansa ang inaasahang iimport ng Pilipinas matapos sabihin ng Bureau of Plant Industry (BPI) na nakapag-import ang pamahalaan ng 3.22 milyong MT ng bigas mula January 1 hanggang December 22 noong 2023.

“The Philippines is projected to remain the number one global rice importer — taking a record 3.8 million tons — in 2024, followed by China, Indonesia, the European Union, Nigeria, and Iraq,” saad ng report.

Binanggit pa ng USDA ang importasyon ng bigas ng Pilipinas mula sa Vietnam na patuloy sa pagiging top source of rice imports.

Batay pa sa USDA report, madadaig pa rin ng Pilipinas ang China sa rice importation na inaasahang mag-iimport ng 2.8 milyong MT na bigas ngayong taon para sa higit 1 bilyon nitong populasyon. Kumpara sa 112 million projected population ng mga Pilipino.

LATEST

LATEST

TRENDING