
MANILA – Naglabas ng bagong suggested retail price bulletin ang Department of Trade and Industry kung saan may mangyayaring paggalaw sa ilang presyo ng 9 na grocery items.
Nagbawas naman ng timbang o laman sa pakete ng kanilang produkto ang ilan na hindi nagtaas ng presyo.
Nasa 75 centavos hanggang mahigit piso ang dagdag sa mga brand ng asin, kumonte at nagbawas ng timbang ang ilang brand ng kape.
Sinabi ng mga manufacturer naka-apekto ang mga raw materials at packing sa pagtaas ng kanilang produkto.
Sinabi ng DTI na posible rin magkaroon ng pagtaas sa presyo ng asukal at arina.
Pangamba naman ng ilang grupo na baka makaapekto ito sa presyo ng tinapay.





