Pangulong Marcos inaaral suspensiyon sa PhilHealth dagdag butaw

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga panawagang ipatigil o suspendihin ang dagdag-singil sa premium ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Kasunod ito ng apela ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa Presidente na suspendihin ang 5% na pagtaas ng singil sa mga miyembro ng PhilHealth simula nitong Enero.

Sa isang maiksing text message, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na pinag-aaralan na ng pangulo ang apela ni Herbosa.

“The president is studying the request,” ani Garafil.

Iginiit ng DOH Secretary na hindi dapat dagdagan ang pasanin ng mga miyembro ng PhilHealth dahil sa mataas na presyo ng mga pa-ngunahing bilihin.

Sa halip na 5%, iminungkahi ni Herbosa kay Pangulong Marcos Jr. na maaaring magtaas lamang ng 0.5% para maging 4.5% ang babayaran sa premium ng mga miyembro ngayong 2024.

Bukod kay Secretary Herbosa, sumulat na rin kay Pangulong Marcos Jr. ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa pamamagitan ng Chairman ng grupo na si Sergio Ortiz-Luis Jr. para ipagpaliban ang implementasyon ng dagdag-singil sa PhilHealth members.

Sinabi ni Luis na ayusin muna ng PhilHealth ang kanilang sistema bago magpatupad ng dagdag-singil sa kontribusyon ng mga miyembro nito.

LATEST

LATEST

TRENDING