PAGASA: El Niño higit na titindi sa darating na mga buwan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Inihayag ng PAGASA na titindi pa ang kasaluku­yang nararanasang panahon ng El Niño sa bansa ngayong buwan hanggang sa susunod na mga buwan ngayong taon.

Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr. base sa kasalukuyang kundisyon, may katamtaman hanggang sa matinding tagtuyot ang mararanasan mula sa Pebrero hanggang Mayo ngayong taon.

Una nang sinabi ni Solidum na may 65 lalawigan ang tatamaan ng matinding tagtuyot dahil sa dry spell sa unang quarter ng 2024.

Tinaya ni Solidum na ang naganap na El Niño noong taong 1997 hanggang 1998 ay katulad ngayong taon na marami ang makakaranas ng epekto ng matinding tagtuyot at bilyong piso ang inaasahang lugi sa sektor ng agrikultura.

Gumagawa na ng mga paraan ang Department of Agriculture (DA) para makaiwas sa matinding epekto ng El Niño ang sektor ng agrikultura sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING