DA, pinabulaanan ang oversupply sa mga gulay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na wala namang oversupply ng mga highland vegetables.

Sa pulong balitaan, sinabi ni DA Spokesperson Arnel de Mesa na kung titingnan ang mga datos sa kabuoan ng 2023 ay mayroong bahagyang pagbaba sa produksyon.

Paliwanag ni De Mesa, noong last quarter lamang walang bagyo kaya mas maraming gulay ang naani.

Dagdag pa ng opisyal, mas kakaunti rin daw ang traders na umakyat sa La Trinidad Vegetable Trading Post mula January 1 hanggang January 3.

Pagtitiyak ni De Mesa, kasalukuyan nang nag-normalize ang sitwasyon sa Benguet.

LATEST

LATEST

TRENDING