Meralco, may taas-singil sa kuryente ngayong Enero

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Magkakaroon nang bahagyang pagtaas sa singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Enero.

Magpapatupad ang Meralco ng upward adjustment na P0.08 kada kiloWatt-hour (kwh) sa kanilang elec­tricity rate ngayong buwan bunsod na rin ng mas mataas na generation charge.

Dahil sa dagdag-singil, ang overall electricity rate sa isang typical household ay aabot na sa P11.3430 kada kWh mula sa P11.2584 kada kWh noong Disyembre.

Nangangahulugan na ang total electricity bill ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan, ay magkakaroon ng hanggang P17 dagdag sa bayarin sa kuryente habang P25 sa kumukonsumo ng 300 kWh.

Nasa P34 naman ang dagdag sa nakakagamit ng 400 kWh at P42 sa 500 kWh kada buwan.

Disyembre 2023 nagpatupad ang Meralco ng P0.80 kada kWh na tapyas sa singil sa kuryente dahil sa pagbaba ng presyo sa spot market.

LATEST

LATEST

TRENDING