Pulse Asia survey: Diskarte ng Marcos admin vs inflation ‘di aprub sa 73 porsyentong Pinoy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Mayorya sa mga Pilipino ang hindi kumbinsido sa paraan ng paghawak ng administrasyon sa usapin ng pagkontrol sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ayon sa Pulse Asia survey na ginawa mula Disyembre 3-7 sa 1,200 respondents nationwide, tumaas sa 73% mula 56% noong Setyembre 23, 2023 ang disapproval ng mga Pinoy sa hakbang ng pamahalaan sa inflation.

Tumaas din ang disapproval sa pagtataas ng sahod na naging 36% mula sa 24% noong September 2023.

Lumabas din ang disapproval ng mga Pinoy sa hakbang ng pamahalaan sa pagtataas ng sahod na naging 36% mula sa 24% noong September 2023.

Tumaas din ang disapproval rating sa hakbang ng gobyerno para labanan ang katiwalian, 33% mula sa 23%.

Gayundin ay tumaas sa 39% mula 31% ang hakbang para maibsan ang kahirapan, at ang kagutuman na nasa 24% mula sa 16%.

Ang mga top concern ng mga Pilipino hanggang nitong Disyembre 2023 ay ang pagkontrol sa inflation (72%), taas-sahod ng mga manggagawa (40%), paglikha ng trabaho (28%), pagbaba ng kahirapan (25%) at graft and corruption (19%).

Top concern din ang pagtulong sa mga magsasaka kasama na ang pagbebenta ng kanilang produkto (18%), problema sa kagutuman (18%), paglaban sa krimen (15%), pagsuporta sa maliliit na negosyo (11%) paglalapat ng parusa sa lahat ng uri ng tao (10%) pagpapababa sa bayad sa buwis (10%) at iba pa.

LATEST

LATEST

TRENDING