Pulse Asia: Pangulong Marcos, VP Sara tumaas trust at approval ratings

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Batay sa latest survey ng Pulse Asia, tumaas ang trust at approval ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Ipinakita ng non-commissioned survey na isinagawa mula Disyembre 3 – 7, 2023 na nakakuha si Pangulong Marcos ng 73% trust ratings at 68% na approval ratings.

Ito ay pagtaas mula sa 71% trust at 65% approval na nakuha niya sa September 2023 survey.

Si VP Sara naman ay nakakuha ng 78% trust o pagtaas mula sa 75% noong Setyembre 2023.

Tumaas din ng isang puntos ang kanyang approval ratings, o naging 74% mula sa dating 73% lamang.

Samantala, si Senate President Juan Miguel Zubiri ay may 51% trust mula sa 49% lamang at 49% approval ratings, na pagbaba naman mula sa dating 50%.

Si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez naman ay nakakuha ng 40% trust ratings na pagtaas mula sa 38% habang ang kanyang approval rating ay nasa 39%, mula sa dating 41%.

Ang non-commissioned na December survey ng Pulse Asia ay nilahukan ng 1,200 adults respondents at may ± 2.8% error margin na may 95% confidence level.

LATEST

LATEST

TRENDING