PNP tinutugis nasa likod ng ‘destab plot’ laban kay Pangulong Marcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Pinaghahanap na ng Philippine National Police (PNP) ang nasa likod ng umano’y destabilization plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasabay ng pagtanggi ng PNP at Armed Forces of the Philippines sa ulat na wala na silang tiwala sa administrasyon.

Ayon kay PNP Public Information Office chief at Spokesman PCol. Jean Fajardo, pinaiimbestigahan na nila sa PNP-Anti Cybercrime Group ang pinagmulan ng isang social media post.

Sa nasabing post nakasaad na naka-full alert status ang pulisya dahil sa umano’y tangkang destabilisasyon ng AFP at PNP.

Apela ni Fajardo sa publiko, huwag maniwala sa mga hindi beripikadong impormasyon upang maiwasan ang anumang mga gulo.

Una nang sinabi ng PNP at AFP na buo pa rin ang kanilang suporta sa administrasyong Marcos.

Wala umanong sentimyento ang PNP sa commander in chief na patuloy naman ang suporta sa kani-kanilang mga hanay.

Tiniyak ni Fajardo na mananagot sa batas ang sinumang mapatutunayang nagpakalat ng maling impormasyon.

Sinabi naman ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. tukoy na nila ang ilang nasa likod nito. Posibleng makasuhan ang mga ito ng paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code na tumutukoy ito sa iligal na pagpapakalat ng maling impormasyon sa cyber space.

LATEST

LATEST

TRENDING