Ilang dokumento bilang ebidensya laban sa Marcoses, tinanggap ng Sandiganbayan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pumayag ang Sandiganbayan na tanggapin ang 15 set ng mga dokumento bilang ebidensya sa ill-gotten wealth case laban sa Pamilyang Marcos.

Sa resolusyon ng 4th division ng anti-graft court, nakasaad dito na minarkahan ng certified true copies na mga orihinal na dokumento ang 15 dokumento sa mga isinagawang preliminary conferences.

Kabilang sa mga ito ang mga liham, inventory, technical description, at deeds of sale.

Isinama rin ang isinampa ng Presidential Communication on Good Government ang civil case #10 para marekober ang nasa P2.46 bilyon na halaga ng mga ari-arian ng Bataan Shipyard and Engineering Company, Inc.

LATEST

LATEST

TRENDING