DepEd: SHS students sa SUCs at LUCs, maaaring lumipat sa public schools

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Maaari umanong lumipat sa mga pampublikong paaralan, na nag-aalok ng basic education, ang mga estudyante sa senior high school (SHS) na maaapektuhan nang gagawing pagtitigil ng SHS program sa mga State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs).

Ang pahayag ay ginawa ni Department of Education (DepEd) Undersecretary at Spokesperson Michael Poa, kasunod na rin nang paglalabas ng memorandum ng Commission on Higher Education (CHED) na nagsasaad na ititigil na nila ang SHS program sa mga SUCs at LUCs.

Ayon pa kay Poa, maaari ring magpa-enroll ang mga displaced SHS students sa mga pribadong paaralan sa susunod na school year at mag-avail ng voucher program.

Tiniyak din niya na walang estudyante na recipient ng SHS voucher program ang apektado ng naturang direktiba ng CHED dahil wala na umanong mga Grade 11 voucher recipients na naka-enroll sa SUCs at LUCs ngayong School Year 2023-2024.

Dagdag pa niya, ang voucher application system ay hindi na rin tumanggap ng Grade 11 applicants sa mga paaralang tinukoy bilang SUCs at LUCs.

Ang mga Grade 12 learners naman aniya sa SUCs at LUCs ay binigyan pa rin ng vouchers ng DepEd upang matapos nila ang kanilang senior high school.

Para naman sa mga non-voucher recipients, sinabi ni Poa na base sa kanilang database, mayroong nasa 17,700 na Grade 11 learners ang kasalukuyang naka-enroll sa mga SUCs at LUCs sa buong bansa.

“Nonetheless, based on the reports of our Regional Directors, our public schools will be able to accommodate those that may be displaced. May mga regions din po na wala nang SHS learners sa mga SUCs and LUCs,” aniya pa.

LATEST

LATEST

TRENDING