VP Sara tiniyak ‘Serbisyong tapat’ sa 2024

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na patuloy ang pagbibigay ng tapat na pagseserbisyo sa mga Pilipino sa taong 2024.

Sa kanyang New Year’s message, sinabi ni Duterte na nais niyang salubungin ng lahat ang taong 2024 ng positibo at may pag-asang uunlad ngayon taon.

“Ang taong 2023 ay isang makulay na taon para sa ating bansa at pati na rin sa buong mundo. Maraming istorya ng tagumpay, pagsubok, at pag-asa, ngunit bilang isang Pilipino, tayo ay nananatiling malakas at matatag,” ani Duterte.

Ani Duterte, patuloy silang maghahatid ng serbisyong tapat at paiigtingin ang hangarin para sa kapayapaan at kaginhawaan ng bawat pamilyang Pilipino.

Dagdag pa ng Bise Presidente hindi dapat na magpadaig sa pagsubok ng buhay dahil may pamahalaang nakaalalay sa bawat Pilipino.

Kailangan aniyang  magtiwala ang  bawat  Pilipino sa pamahalaan dahil bawat problema ay ginagawan nila ng solusyon.

Hangad ni Duterte na sa bawat Pilipino ang pagkakaroon ng determinasyon, lakas, pag-asa at pagkakaisa para sa pag-unlad ng bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING