ASEAN foreign ministers nabahala sa tensiyon sa WPS

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nagpahayag ng pagkabahala ang Foreign ministers ng Southeast Asia’s regional bloc dahil sa patuloy na pagtaas ng tensyon sa South China Sea o West Philippine Sea (WPS) na maaaring magbanta sa rehiyong pangkapayapaan, kasabay ng paghikayat na mapayapang dayalogo dito.

“We closely follow with concern the recent deve­lopments in the South China Sea that may undermine peace, security, and stability in the region,” ayon pa sa regional bloc.

Ang pahayag ay ginawa dahil sa palitan ng akusasyon ng dalawang bansa dahil sa isyu sa maritime kasabay ng pahayag ng Pilipinas na kailangan baguhin ang approach dito dahil sa hindi magandang direksyon sa diplomatic efforts.

Nauna nang inilarawan ng China ang akusasyon bilang “purely false hype” at hindi sila magbubulagbulagan para maulit ang “provocations at harassment” ng Pilipinas.

Inihayag din ng ASEAN foreign ministers ang mu­ling pagsasanay sa self-restraint sa pagsasagawa ng aktibidad na maaaring magpataas ng tensyon.

Iginiit din nito ang kahalagahan ng mapayapang dialogue para makapag promote ng regional stability at cooperation sa maritime domain.

LATEST

LATEST

TRENDING