Mga guro, sundalo, health worker etsapuwera sa rightsizing bill

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Isinaad ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na hindi umano kasali sa streamlining plan ng rightsizing bill na inaprubahan ng Kamara de Representantes ang mga guro, health worker, sundalo at iba pang unipormadong tauhan ng gobyerno.

Sinabi ito ni Villafuerte kasabay ng kanyang paghikayat sa mga senador na aprubahan na ang kanilang bersyon ng panukalang National Government Rightsizing Act (House Bill 7240).

Ayon sa mambabatas, sa ilalim ng panukala ng Kamara ay ipatutupad ang streamlining plan sa loob ng tatlong taon. Mayroon din itong kalakip na retirement benefit at separation incentive sa mga maaapektuhang empleyado.

Binibigyan naman ng opsyon ng HB 7240 ang Kongreso, Judiciary, State Universities and Colleges, Office of the Om-budsman at iba pang Constitutional Commission, mga lokal na pamahalaan, at state-run corporation na magpatupad ng kanilang sariling rightsizing plans, ayon kay Villafuerte.

Ayon sa Civil Service Commission, noong 2022 ang national government ay may tinatayang 1.7 milyong empleyado na nakakalat sa 187 ahensiya at korporasyon ng gobyerno. Sinabi ni Villafuerte na mayroong mga ahensya na magkakapareho o nagsasapawan ang trabaho. 

LATEST

LATEST

TRENDING