Cyber patrolling, pinaigting ng PNP vs online scam

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Mas pinalakas pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang cyber patrolling laban sa mga online scam ngayong Christmas season.

Ang aksiyon ng PNP ay bunsod ng pagtaas ng bilang ng cyber-related crimes partikular ang scam.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo, kailangan bantayan ang mga pananamantala ng ilang indibiduwal ngayong Yuletide Season.

Aniya, naglipana ang mga advertisements na nag-aalok ng murang regalo tulad ng gadgets na naka-bundle offer upang mas lalong maengganyo ang mga mamimili.

Maaari namang ireport sa PNP ang mga online seller na mananamantala.

Paaalala ng PNP sa publiko na dapat maging mapanuri sa mga bibisitahing online store upang hindi mabiktima ng mga cyber criminals.

Dagdag pa ni Fajardo na hindi naman nakakalimot ang PNP sa pagpapaalala subalit kailangan pa rin ang kooperasyon ng mismong consumer upang maiwasan na ma-scam.

LATEST

LATEST

TRENDING