
MANILA – Nakadisenyo umano ang 2024 national budget para maiahon sa kahirapan ang buhay ng mga Pilipino.
Sinabi ito Manila Rep. Joel Chua matapos na malagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang P5.768 trillion national budget para sa susunod na taon.
Bukod sa binuhusan ng malaking alokasyon ang anti-poverty measures at programa sa social services, public health at education, binigyan din ng malaking alokasyon ang infrastructure at basic public works upang magpapatuloy ang paglikha ng trabaho at makabalik ang mga negosyo.
Mayroon din umanong sapat na “safeguards and provisions’ upang masiguro na ang ‘unprogrammed funds” ay gagastusin lamang kung may legal na basehan.
“Yes, the national budget has been growing every year, but much of that is catchup to make up for the effects of inflation, lending interest rates, and foreign exchange rates on the purchasing power of the peso,” paliwanag ni Chua.





