Pro-China trolls pinopondohan sa destab plan vs PH gov’t

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Posibleng pinopondohan umano ng China ang destabilization efforts sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga trolls at mga pro-Beijing sa gitna ng awayan sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Senador JV Ejercito, maging siya ay biktima ng coordinated social media attacks mula sa umano’y mga trolls dahil sa hayagang pagkondena sa ginagawa ng China sa WPS.

Puna pa ni Ejercito, na ang social media users ay nauna nang tinarget sina House Speaker Martin Romualdez, Philippine Coast Guard Commodore Jay Tarriela, Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Senate President Migz Zubiri.

Kaya ang nakaka-lungkot umano ay ma­aring bahagi ito ng destabilization plan dahil na rin sa sitwasyon sa WPS para mapunta ang atensyon sa nangyayari sa loob ng gobyerno.

“It’s not far-fetched that they are funded kasi bigla na lang pro-China sila na napakahirap ilaban ang posisyon na ‘yon,” giit pa ni Ejercito.

Umapela naman si Ejercito sa mga Filipino na magkaisa para ma­ging progresibo at sumulong at tigilan na ang “political bickering” o mga pagtatalo tungkol sa politika.

LATEST

LATEST

TRENDING