
MANILA — Umabot sa P14.5 bilyon na kabuuang pangakong investments ang nakuha ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang biyahe sa Japan.
Sa ilalim ng mga bagong mga nilagdaang kasunduan, sinabi ng mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ginanap na ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo, na maaaring makabuo ng 15,750 trabaho ang mga papasok na investments.
Sinabi ni Marcos na natutuwa siyang malaman na ang mga letter of intent na nilagdaan noong Pebrero 2023 at ang mga nilagdaan ngayon ay may pinagsama-samang P771.6 bilyon o humigit-kumulang US$14 bilyon na mga pangako mula sa mga mamumuhunang Hapones.
“I am delighted to know that the letters of intent signed last February 2023 and those signed today now aggregate P771.6 billion or about US$14 billion in pledges from Japanese investors – expected to generate approximately 40,000 jobs,” sabi ng Pangulo.
May 9 na kasunduan ang nilagdaan na nakatuon sa enerhiya, imprastraktura at manufacturing.





