
MANILA – Kumonti na ang nambubudol sa mga text message simula nang umiral ang SIM Card Registration Act, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Lunes.
Pero ayon kay DICT spokesperson Renato Paraiso, lumipat naman ang mga scammer sa mga messaging apps tulad ng Viber at WhatsApp.
“Sa aming monitoring, mas kumonti ang mga text scams gamit ang SMS messaging o ‘yong mga traditional messaging,” wika ni Paraiso sa interview ng TeleRadyo Serbisyo.
“Kumonti, dahil sa SIM Card Registration Act natin, nagiging identifiable ang callers natin sa traditional text.”
Mas gusto raw ngayon ng mga scammer ang messaging apps dahil hindi inoobliga rito na ilagay ang kanilang tunay na pan-galan at magagamit pa rin ang apps kahit hindi na activated ang SIM card sa pagkabigo na makapagparehistro.
“Tuloy-tuloy pa rin ang pag-allow ng mga OTTS na magamit ang mga number na ito kahit hindi na existing sa SIM cards,” dag-dag pa niya.





