PBBM: Tensiyon sa West Philippine Sea ‘mas tumaas’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Lalong tumaas ang tensiyon sa West Philippine Sea sa halip na humupa ito kaya kailangan ang bagong solusyon at tuluy-tuloy na pag-uusap para matigil ang agresibong aksiyon ng China.

Sinabi ito ng Pangulo sa panayam ng Japanese media sa Tokyo, Japan sa kanyang tatlong araw na biyahe para dumalo sa ASEAN-Japan Commemorative Summit.

“I’m afraid we’ll have to be able to say that tensions have increased rather than diminished for the past months or the past years and that’s why we have to continue to counsel peace and continue communication between the different countries-everyone that is involved,” wika ng Pangulo.

Nagbabala rin ang Pangulo na isang mala­king hamon sa mga ka­tabing bansa sa Asya ang pagpipilit ng China sa WPS.

Anya, ang sitwasyon sa South China Sea ay maituturing anyang pinaka-kumplikadong pagsubok na kinakaharap ngayon ng mundo.

Kailangan ng mga bagong solusyon kaya bukas ang Pilipinas sa mga mungkahi at mga ideya para sa kalutasan ng gusot sa mga pinag-aagawang teritoryo.

“I cannot say that we have found the answer yet. We are still trying to formulate that answer as we speak. And things are mo­ving very quickly in many parts of the China Sea and so there are changes in terms of approaches,” giit pa ni Marcos.

Matatandaan na ang Pilipinas at China ay nagpapalitan ng akusasyon tungkol sa banggaan ng dalawang barko sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS.

Inaangkin ng China ang malaking bahagi ng South China Sea kabilang na ang exclusive economic zone ng Pilipinas at ang WPS matapos balewalain ng naturang bansa ang 2016 arbitral rulling na nagbabasura sa nine-dash line claim sa South China Sea.

LATEST

LATEST

TRENDING