
MANILA — Muling pinagtibay ng Pilipinas, Estados Unidos at Japan ang kanilang desisyon para palakasin ang kanilang trilateral cooperations habang patuloy ang agresibong hakbang ng China sa South China Sea.
Ito ay matapos ang trilateral call nitong Miyerkoles nina National Security Adviser Eduardo Año; US National Security Adviser Jake Sullivan at Japanese National Security Adviser Akiba Takeo, para pagtibayin ang kanilang freedom of navigation at international law sa South China Sea at East China Sea at ang pundasyon sa kahalagahan para mapanatili ang peace at stability sa Indo-Pacific.
Nagpahayag din ng pangamba ang tatlong bansa sa “dangerous at unlawful” action sa Ayungin Shoal at Scarborough shoal at Ayungin Shoal o Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS) ng China.
Hinikayat din nila ang China na igalang ang 2016 Arbitral Tribunal ruling kung saan binabasura ang kanilang pag-aangkin sa buong South China Sea.
Nanawagan din sila sa Beijing na tigilan ang “provocative behavior”.
Muli rin pinagtibay ni Sullivan ang matibay na alyansa ng Estados Unidos sa Japan at Pilipinas.
Habang iginiit ng tatlong security advisers ang pagpapalakas ng trilateral cooperation at nakatuon sa patully na implementasyon sa initiaves na kanilang napag usapan noong Hunyo.





