Taas singil sa tubig, aprub ng MWSS

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Sasalubungin ng taas singil sa tubig ang mga residente ng Metro Manila at karatig lalawigan simula Enero ng susunod na taon.

Ito’y makaraang aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System (MWSS) ang basic rate hike ng water concessionaires Maynilad at Manila Water sa Janua­ry 2024.

Binigyang diin ni MWSS chief regulator Patrick Ty na ang pagtaas ng singil ay upang punan ng mga concessionaires ang cover costs sa diverse projects para magkaroon ng sapat na tubig sa mga concession area sa panahon ng epekto ng El Niño pheno­menon sa sunod na taon.

Ang Manila Water na nagsusuplay ng tubig sa 25 cities at municipalities sa Metro Manila at Rizal ay magkakaroon ng taas sa singil sa tubig ng may   P6.41 per cubic meter.

Kung ang konsumo ay 10 cubic meters kada buwan ay may charge na P34.13, habang ang 20 cubic meters na konsumo ay P76.68 at ang 30 cubic ay P154.55.

Sa mga low-income lifelines na nakonsumo ng 10 cubic meters ay may charge na P2.96.

Sa Maynilad na nagsusuplay ng tubig sa west zone ng Metro Manila at ilang lugar sa Cavite ay may price hike na P7.87 per cubic meter kada buwan.

LATEST

LATEST

TRENDING