
MANILA — Isasabak ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga Sangguniang Kabataan (SK) leaders laban sa illegal drugs, malnutirion, AIDS at iba pang problema sa bansa.
Sa kanyang pagsasalita sa harap ng 1,000 SK Federation Presidents at sa Philippine Military Academy (PMA) cadets sa ginanap na National Youth Convention 2023 sa Baguio City, sinabi ni Abalos na panahon na upang maging katuwang ng pamahalaan ang mga kabataan sa pagsugpo ng mga suliranin sa bansa na kinasasangkutan ng mga kabataan.
“You, the Filipino youth, hold immense power to help address societal concerns. Your talents, skills, and numerical advantage make you a formidable force for positive change,” ani Abalos.
Dapat aniyang makitaan ang mga SK leaders ng kanilang priyoridad sa pagtulong sa nation building.
Hinihikayat din ni Abalos ang mga SK leaders na isama sa kanilang priyoridad sa Local Youth Development Plans (LYDP) ang holistic anti-illegal drug program ng DILG na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program.
Naniniwala ang Kalihim na mismong ang mga kabataan ang makatutulong sa kapwa mga kabataan na lumayo at iwasan ang iligal na droga.
Maaari ring makipag-ugnayan sa mga local government units para sa madalas na feeding program laban sa malnutrion at coordinating councils naman laban sa HIV/AIDS.





