MMDA: Trapik, lalo pang sisikip habang papalapit ang Pasko

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Inaasahan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lalo pang pagbigat ng daloy ng trapiko habang papalapit ang Pasko.

Ayon kay MMDA chairperson Atty. Romando Artes, dapat nang asahan ng publiko ang masikip na traffic simula ngayong araw, Disyembre 7, na hudyat ng Christmas season.

Partikular na tinukoy ni Artes ang mga weekends ng Disyembre 15 at 22 na may pinakamabigat na daloy ng trapiko.

Aniya, ang Disyembre 15 ay payday weekend kaya’t asahan nang marami ang magla-last minute shopping.

Ang Disyembre 22 naman ay ‘weekend going to Christmas’ kaya’y inaasahan naman nilang dadagsa na ang mga taong magsisiuwian sa mga lalawigan upang doon ipagdiwang ang Pasko.

Hindi naman umano nila aalisin ang number coding window hours dahil wala namang “carmaggedon” na sitwasyon sa mga lansangan.

Samantala, higit pa umanong paiigtingin ng MMDA ang kanilang clearing operations sa Mabuhay Lanes upang magkaloob ng alternatibontg ruta sa Metro Manila drivers ngayong holiday season.

Payo pa niya sa publiko, umiwas sa Christmas rush sa weekends upang hindi maipit sa masikip na daloy ng trapiko.

LATEST

LATEST

TRENDING