State of Emergency sa Marawi, ’di inirerekomenda ng PNP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Walang nakikitang dahilan ang Philippine National Police (PNP) para irekomenda ang pagdedeklara ng State of Emergency sa Mindanao.

Sinabi ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson PCol. Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon, ‘on top of the situation’ pa rin ang pamahalaan sa pagtitiyak ng seguridad at kapayapaan sa bansa kasunod ng nangyaring pagpapasabog sa Mindanao State University sa Marawi City noong Linggo ng umaga na ikinasawi ng 4 katao at ikinasugat ng 50 iba pa.

Giit ni Fajardo, walang dapat na ikatakot ang publiko dahil ginagawa ng mga awtoridad ang lahat upang mapanagot ang mga salarin at para masigurong hindi na mangyari ang kahalintulad na insidente.

Sa ngayon, nag-deploy ng isang company mula sa Regional Mobile Force Battalion ang PNP habang nagpakalat din ng augmentation forces ang AFP sa nasabing rehiyon.

Pinaigting na rin ang police visibility at checkpoints sa ilang vital installations sa buong bansa.

Matatandaang May 2017 nang ideklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa buong Mindanao dahil sa sagupaan ng tropa ng pamahalaan at teroristang grupong Maute sa Marawi city na nagtapos noong December 2019.

LATEST

LATEST

TRENDING