Rental subsidy sa mga informal settler inaprub

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Umusad na ang panukala na bigyan ng rental subsidy ang mga informal settler families upang makaalis ang mga ito sa mga mapanganib na lugar.

Ang panukalang Rental Housing Subsidy Program Act (House Bill 9506) ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting kamakailan.

Sa ilalim ng panukala, ang mga kuwalipikadong ISF sa Metro Manila ay bibigyan ng P3,500 na subsidiya sa renta.

Ang rate ng subsidy sa ibang rehiyon ay tutukuyin naman ng Department of Human Settlements and Urban Development at National Economic and Development Authority.

Ang subsidiya ay ibibigay sa ISF hanggang sa matapos ang permanenteng housing project na lilipatan nito o hanggang sa aktwal na makalipat ito sa kanyang bagong titirahan. 

LATEST

LATEST

TRENDING