PWD ID tinulak na gawing permanente

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Hindi na kailangan pang mag-renew ng identification card ang mga permanent Person With Disability card holders sa Valenzuela City sa oras mag-expired ito.

Ito ang binigyang-diin ni Valenzuela 2nd District Councilor Nina Shiel B. Lopez, principal author ng Ordinance 2023-124.

Layon ng batas na i-provide ang lifetime validity sa identification cards ng mga permanent disable, upang hindi na sila mahirapan na magtungo sa Person with Disability Affairs Office (PWDAO) para mag-renew ng kanilang mga ID kapag nag-expired kada limang taon.

“Wala pa pong ordinansa ang ibang bayan o lungsod na kagaya nito. Kauna-unahang ordinansa ito sa boung Piipinas,” ani Coun. Lopez.

Base sa naunang regulasyon , kada limamg taon ang expiration ng mga ID ng PWD’s mapa-permanent o non-permanent disability.

Pero sa Ordinance 2023-124, lifetime na ang ID na hawak ng mga permanent disable at hindi na ito renewable.

LATEST

LATEST

TRENDING