2 reclamation projects sa Pasay, aprub na sa DENR

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — May basbas na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para maipagpatuloy ang dalawang reclamation projects sa Pasay City makaraan ang tatlong buwan ding suspension order dito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Agosto.

Itutuloy na ang rehablitasyon ng dalawang reclamation projects na kapapalooban ng 265-hectare Pasay Harbor City Reclamation Project at 360-hectare Pasay Reclamation Project makaraang makapag-comply ang mga project proponents sa rekisitos ng DENR para dito.

Sinabi ni DENR Secretary Antonia Yulo-Loyzaga na dumaan sa masusing pagbusisi ang naturang mga proyekto bago naigawad ang pagpayag na maipagpatuloy na ito sa ngayon.

Niliwanag naman ni Yulo-Loyzaga na ang Philippine Reclamation Authority lamang ang makakapagtanggal ng suspension order ng dalawang proyekto dahil ang DENR ay para lamang sa pagkilatis at pag-assess ng compliance ng mga proponents.

Una nang sinuspinde ng Pangulo ang 22 reclamation projects sa Manila Bay habang nagsasagawa ng pagbusisi sa compliance ng mga proponents sa environmental regulations.

LATEST

LATEST

TRENDING