Smartmatic DQ na sa 2025 election bidding

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Diniskuwalipika na ng Commission on Elections (Comelec) ang Smartmatic sa bidding para sa automated election system na gagamitin sa 2025 Midterm elections.

Ito ay makaraan na pagbigyan ng Comelec en banc ang petisyon na inihain ng isang grupo sa pangunguna ni dating Information and Communications Technology secretary Eliseo Rio laban sa Smartmatic dahil sa mga iregularidad umano sa 2022 national elections.

“Wherefore, premises considered, the Commission (En Banc) hereby resolve to grant the petition. Smartmatic Philippines Inc. is disqualified and disallowed from participating in any public bidding process for elections,” ayon sa desisyon na inilabas kahapon.

Ayon sa komisyon, ipinatutupad nila ang tungkulin na itaguyod ang integridad ng halalan. Hindi umano nila palalagpasin ang seryoso at hindi pa nareresolbang alegasyon laban sa Smartmatic kaugnay ng naganap na halalan.

Nilinaw naman nito na walang iregularidad sa pagkakasa ng 2022 National and Local Elections.

Dahil dito, magtatapos ang pamamahala ng Smartmatic sa automated systems ng Comelec na nag-umpisa noong 2010, at nagpatuloy sa mga halalan noong 2013, 2016, 2019, at 2022.

LATEST

LATEST

TRENDING