Budget deficit umimpis sa P34B

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Lumiit sa P34.4 bilyon ang kakulangan sa pondo ng administrasyong Marcos Jr. nitong Oktubre dahil lumaki ang koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon sa Bureau of the Treasury (BTR), P420.2 bilyon ang gastos ng pamahalaan samantalang P385.8 bilyon naman ang koleksiyon noong Oktubre. Ang short nito na P34.4 bilyon ay mas maliit ng 65% kaysa sa budget deficit o short nito na P99.1 bilyon noong Oktubre 2022.

Ayon sa BTR, lumago ang koleksyon ng BIR ng 47% at umabot sa P274.4 bilyon nitong Oktubre 2023 samantalang P186.8 bilyon lamang ang koleksiyon nito noong Oktubre 2022.

Lumaki ang gastos ng 8% sa P420.2 bilyon mula sa P387.9 bilyon nung Oktubre 2022 at lumaki ang napunta sa pagbayad ng interes sa mga utang na nasa P59 bilyon, mas malaki ng 78% kumpara sa P33.2 bilyon noong Oktubre 2022.

Mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon, ang budget deficit o short ay lumiit ng 8% sa P1.017 trilyon mula P1.111 trilyon noong parehong panahon noong 2022. Ang koleksiyon ay lumago ng 9% sa P3.22 trilyon mula P2.95 trilyon sa parehong panahon noong 2022 samantalang ang gastos naman ay lumaki ng 4.5% sa P4.24 trilyon mula P4.06 trilyon.

Lumaki naman ang binayad sa interes sa mga utang ng P85.9 bilyon na umaabot na sa P519.1 bilyon mula P433.3 bilyon. Ang binayad sa interes sa utang mula Enero hanggang Oktubre 2023 ay katumbas na ng budget ng Department of Agriculture para sa buong taon na nasa P85.88 bilyon.

LATEST

LATEST

TRENDING